KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Post on 20-Jan-2016

1.093 views 16 download

description

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN. NG EPIKO. EPIKO. Ito ay nagmula sa sinaunang salitang Griyego (Greek) na ἐπικός ( epikos ), at ἔπος ( epos) na nangangahulugang " salita ", " kuwento ", o " tula ". Ito ay mga - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EPIKO

EPIKOIto ay nagmula sa sinaunang salitang Griyego (Greek) na ἐπικός (epikos),

at ἔπος (epos) na nangangahulugang "salita", "kuwento", o "tula". Ito ay mga

tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao

(partikular sa isang lalaki).

URI NG EPIKO

1. ORAL POETRY -> mga sinaunang epiko na nabuo lamang sa

pamamagitan ng pagkukuwento sa iba't ibang tao.

Oral Epic o World Folk Epic Ito ay mahahabang tula na iniuuri-uri

(classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes, at

kahalagahan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng

pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o sa harap ng maraming

manonood.

2. EPYLLION -> mas maiikling epiko kumpara sa Oral Poetry na nakilala

noong Hellenistic Period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa

kabayanihan ay ipinapakiita rin dito ang pag-ibig at romansa.

URI NG EPIKO

URI AYON KAY DR. MANUELMICROEPIC – kumpleto sa sarili, isang

upuan lamang – Lam-ang (llokano)MACROEPIC- ipinapakita lamang ang

isang tiyak na bahagi, nag-iisang awit, o kabanata – Tuwaang (Bagobo)

MESOPIC- maraming masalimuot na insidenteng napapaloob – Labaw Donggon ( Hiligaynon)

MGA KATANGIAN NG EPIKO

1. Nagsisimula muna sa isang imbokasyon para kay Muses.

Imbokasyon o panalangin na iniaalay kay Muses bilang paggalang, si Muses

ay isa sa siyam (9) na anak ni Zeus, ang pinaka-Diyos ng mga Griyego.

2. Sinusundan ng medias res. Ang Medias Res ay paraan o estilo

ng pagsusulat kung saan ay nauuna munang isinasalaysay ang gitnang

bahagi ng kuwento bago ang nakaraan (flashback).

MGA KATANGIAN NG EPIKO

3. Ang tagpuan ay napakalawak,

sumasakop sa maraming bansa, buong mundo man o

kalawakan.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

4. Naglalaman din ng mahabang listahan na tinatawag na epic

catalogue. Ito ay listahan ng mga bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na

nagpapakilala sa lugar kung saan ito nagmula o isinulat.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

5. Nagsisimula rin sa paglalahad ng

tema ng epiko.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

6. Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet. Ang epithet ay mga pang-uri o salitang

naglalarawan na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o sa isang bagay.

Halimbawa: "rosy-fingered dawn“, "wine-dark sea" at mighty Achilles mula

sa akda ni Homer.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

7. Naglalaman din ng mahahaba at pormal na

mga talumpati o kawikaan mula sa mga tauhan.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

8. Nagpapakita ng pangingibabaw ng

kapangyarihan ng mga Diyos o Diyosa

sa mga tao.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

9. Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na

nagpapahalaga o modelo sa sibilisasyon.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

10. Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba

ng pagkatao ng isang bayani mula sa matayog

na katayuan nito.

MGA KATANGIAN NG EPIKO

IBA PANG MGA KATANGIAN

• Pag-alis ng pangunahing tauhan sa tahanan• Pagtataglay ng agimat o anting-anting• Paghahanap sa isang minamahal• Pakikipaglaban o pakikidigma• Bathalang pipigil sa digmaan• Pagbubunyag na ang kalaban ay kadugo• Pagkamatay ng bayani• Pagkabuhay na muli• Pagbabalik sa sariling bayan• Pag-asawa ng bayani

A. Ano-ano ang sinasalamin ng mga epikong ito sa bawat pangkat o rehiyon kung saan

ito nagmula o naisulat?

B. Paano ba makatutulong sa iyo at sa iyong mga

karehiyon ang pag-aaral ng epiko?

PAGTATANGHALBIDASARI

HINILAWODIBALON

HUDHUD NI ALIGUYONTUWAANG